Tuesday, August 4, 2009

Eddie Villanueva & Ed Panlilio 2010 Tandem - BOTO AKO!

Nakakalungkot isipin nung nakaraang halalan ang pagkatalo ni Bro Eddie. At mas nakakalungkot isipin na natalo siya hindi dahil mas maraming bumoto kay FPJ or kung kanino mang kandidato. Nalulungkot ako dahil natalo siya sa pamamagitan ng pandaraya. Hindi ko lubos maisip na magiging pangatlo o pangalawa sa panghuli ang pagkakalista nya sa lumabas na resulta ng halalan sa dami ng sumuporta sa kanya. Ngunit nagkagayon man, ako'y muli at muling susuporta sa kanya pagkat sa king puso't isipan, ako'y naniniwala na gagamitin siyang instrumento ng Diyos para ang Pilipinas ay muling makabangon mula sa pagkakasadlak sa kahirapan, katiwalian at kabuktutan ng sistemang umalipin sa sambayanang Pilpino ng maraming taon.

Nang aking mabasa sa mga artikulo sa internet tungkol sa posibidad na muling pagtakbo ni Bro Eddie sa 2010, muli akong nabuhayan ng loob... at ang paghihikayat ng ilang mga sektor sa Bro Eddie at Fr Ed Panlilio na team-up sa darating na halalan ay lalong nagbigay sa akin ng kaliwanagan sa tsansang muling pag-unlad ng ating bansa. Na siya namang nagbigay ng inspirasyon sa akin para buoin ang blog na ito, ang "EDDIE @ ED sa 2010".

Layunin ng blog na ito (sa aking munting pamamaraan) ang isulong at patuloy na hikayatin ang isang pagsasanib pwersa ng dalawang maka-Diyos at maka-Bayang tao na hindi nagpapasakop sa maling sistema, tunay na lumalaban sa korapsyon at katiwalian sa gobyerno. At para patunayan na mayroong Diyos na nagmamahal sa ating bansa.

Ako'y naniniwala na ang paglitaw ng isang Ed Panlilio mula sa lalawigan ng Pampanga ay hindi aksidente. Ang kanyang pagkapanalo bilang gobernador ay hindi isang tsansa lamang. Nakita sa kanya ng Diyos ang puso niya na may hangarin na makatulong at isiwalat ang mga maling gawain. Yan ang isang tunay na Pilipino na nagmamahal sa Diyos at sa Bayan.
Kaya kung ito'y nababasa nila Bro Eddie at Fr Ed, sana'y pakinggan ninyo ang panawagan ng mga tunay na nagmamahal sa Diyos at sa Bayan. Huwag na po natin pakinggan ang patutsada at paninira ng ilang mga politiko at kanilang mga kampon ukol sa inyong dalawa. PAGTULUNGAN nyo sana na labanan immoralidad, korapsyon, at ang bulok na sistema sa ating Inang Bayan.